ChatGPT

Tips Paano Magsulat Gamit ang AI na Hindi Halata



Madalas akong gumamit ng AI sa pagsusulat at napabilib talaga ako. At malamang, hahanga din kayo.

Nakita natin ang ipagdagsa ng iba’t ibang technology nung nakaraang taon, at parang naulit ang panahon nung unang lumabas ang Internet. Ang kumpanyang OpenAI, na unang naglabas ng AI tool para sa pagsusulat, ay patuloy na namamayagpag na parang walang katapusan.

Ang GPT-4 at GPT-Turbo ay ilan lang sa kanilang pinakabagong products, at sinasabing kaya nilang magsulat na gaya ng tao.

Kung totoo nga ito, talaga bang makakapagsulat na tayo na gamit ang AI nang di nahahalata? Pero tingin ko, hindi pa rin.

Ang AI kasi, hinuhulaan niya lang ang mga susunod na salita ng isang pangungusap base sa mga naunang salita na nabasa niya.

Halimbawa, may pinabasa ka ng 10,000 na libro tungkol sa cardiology (pag-aaral ng mga puso at mga sakit nito). Tapos, pina recite mo sa kanya kung pano gumagana ang puso, magkakaroon na sila ng idea kung paano nila ipapaliwanag ito. 

Ganito din gumagana ang AI. Tuturuan mo ang isang model gamit ang napakaraming data. Tapos, pag kukunin na nito ang kanyang nalaman, bibigyan ka ng simple at ordinaryong mga sagot. 

Mahirap intindihan kung gaano karaming data ang naipasok na sa AI tool gaya ng ChatGPT, at hindi ito inilabas sa publiko. Pero para may idea kayo, ang GPT-3 na naunang modelo, ay tinuruan gamit ang 175 bilyong data.

Sa kabilang banda, ang mga AI detection tools tulad ng Originality and Content at Scale ay gumagana kabaligtaran ng mga AI writing tools gaya ng ChatGPT .

Isang magandang halimbawa ang pangungusap na ito: Gustong gusto ko talaga pumunta sa ______.

Malamang, 90% sa atin ay “beach” ang isasagot. Pero ang ilan sa atin, puwedeng ang isagot ay “trampoline park.”

Ibig sabihin, magkakaiba ang iniisip natin. Kaya ang mga AI tools, gumagamit lang ng mga palatandaan para mahulaaan ang posible nating sususunod na sasabihin.

Ganito din ang logic na ginagamit ng AI sa mga lathala at pag-uulat. Kung ang mga ito ay parang sinulat ng paulit-ulit, mas malaki ang chance na sila ay sinulat gamit ang AI.

Kaya, ano ang solusyon?

Dapat gumamit ka ng mga salita at pangungusap na hindi ginagamit ng AI. Dapat malinis ang gawa. Dapat walang ebidensya gaya ng watermark na nasasama at nakikita ng mga plagiarism checkers kung saan galing ang mga nakaw na content.

Sa ngayon, ang mga sinulat ng AI ay madali pang mahalata, lalo kung ang mga salitang ginamit ay mga simple lang at parang pinaghalo-halo. Pero huwag kang mag-alala, may mga paraan at tools na pwde mong gamitin para kahit papano, makalusot sa mga AI detection tools.

Paano Magsulat Gamit ang AI na Papasa sa AI Detection

May mga ilang AI tools na kayang isulat uli ang mga isinulat gamit ang mga AI witing tools gaya ng ChatGPT, Claude, at Bard na hindi madali halata. 

Ang mga ito ay gumagamit ng pinagsamang machine learning algorithms at natural language processing techniques para tanggalin ang mga salitang paulit-ulit. Pero, dapat maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap at malinaw basahin.

Narito ang ilan sa kanila.

PAALALA: HUWAG mong gamitin ang AI sa mga ilegal at imoral na gawain.

AI Writing Scrambling Tools

Pinaghahalo o binabaligtad ng mga AI tools na ito ang mga salita sa isang pangungusap. Minsan, gumagamit din sila ng synonyms (mga salitang magkasingkahulugan). Ang resulta, magbabago ang mga salita pero pareho pa rin ang kahulugan at parang tao na ang nagsulat.

Halimbawa: “Ang pag eehersisyo ay nakakapagpalusog ng puso” ay magiging “Ang puso ay magiging malusog pag nag eehersisyo.”

Undetectable.ai

Undetectable.ai ang una kong nirerekomenda. Kasi, kaya nitong baguhin ang content sa iba’t ibang style, gaya ng essays, general writing, marketing campaign, at iba pa.

Para gamitin ang Undetectable AI, i-paste lang ang iyong text at pumili ng gusto mong tono sa iyong sinulat. Tapos, i-click ang “Humanize” button.

Sa ilang sagli lang, aayusin agad ng tool na ito ang iyong sinulat. Mapapansin niyo na maganda ang pagkakasulat at hindi halos halata na AI ang gumawa.

Sinubukang kong magpasulat sa ChatGPT tungkol sa pizza at ipinasok ko sa Undetectable AI. Narito ang kinalabasan.

At ito naman ang lumabas nung ginamit ko ang Copyleaks.

Ganun pa man, kailangan mo pa rin basahing mabuti at ayusin ang ilang mga pangungusap para mas mas maintindihan ang mensahe. Pero, bihira lang naman ang mga ganito. Gaya ng binanggit ko, magaling ang Undetectable AI at sulit gamitin.

HideMyAI

Kumpara sa Undetectable AI, mas mabagal nang kaunti ang HideMyAI. Nahihirapan din ito minsan sa mga salitang kumplikado. Ganun pa man, kaya din nito na baguhin ang isang text na hindi masyadong halata na gawa ng AI.

Gamit muli ang ChatGPT, sinubukan ko ang HideMyAI at inilagay ko sa Copyleaks ang resulta. At gaya ng sa Undetectable AI, “human-generated” ang score nya. Tignan nyo.

Ayusin ang Sentence Syntax

Alin mang tool ang gamitin mo, kailangan mong ayusin ang sentence syntax. Ibig sabihin, baguhin mo ang pagkakaayos ng mga salita at pangungusap at ang ugnayan nila.

Subukan mong pagpalitin ang active voice (gumagawa ng aksyon) at passive voice (tumatanggap ng aksyon). Medyo matrabaho ito pero malaking tulong para magmukhang ikaw talaga ang nagsulat.

Pwede mo ding pahabain o paigsiin ang ilang mga pangungusap o kaya paghaluin sila para umayon sa style ng iyong pagsusulat. Ang pinaka importante, masarap ito basahin at madali maintindihan.

Pag nagawa mo ito ng maayos, mahihirapan ang mga AI detection tools na mahalata na gawa sila ng AI.

Gumamit ng Mga Mas Malalim na Salita

Ang isa pang mabisang paraan para hindi mahalatang isinulat ng AI ay ang paggamit na mga malalalim na salita. Dahil dito, mababawasan mo din ang mga salitang paulit-ulit mong ginamit. Ang kagandahan pa nito, mas tataas ang kalidad ng iyong isinulat at bababa ang duda na gumamit ka nga ng AI.

Halimbawa: Imbes na sabihin mo, “importante,” gawin mong “mahalaga” o “lubhang kailangan.”

Pero syempre, dapat ang mga salitang gamitin mo ay ayon sa mga ginagamit ng mga mambabasa mo. 

Dito mo magagamit ang mga tools na gaya ng QuillBot. Kasi, kaya nitong ayusin ang mga salita ng isang talata nang paisa-isa hanggang maging ayon sa pangangailangan mo.

Tandaan mo lang, dapat balanse ang pagiging sopistikado at madali basahin. Huwag kang gumamit ng salitang pang Jejemon. Isipin mo kung paano magsulat at magbasa ang karamihan sa atin. Ang pinakamhalaga sa lahat, dapat ma enganyo sila na basahin ang sinulat mo.

Pangwakas na Salita

Mula nang lumabas ang ChatGPT, mukhang naging pangkaraniwan na ang paggamit nito. 

Nakakabilib din ang mga tools tulad nang Undetectable or HideMyAI na kayang baguhin ang mga isinulat nito. Konting ayos lang, hindi mo na halos mahalata na galing sa AI.

Napakabilis talaga ng mga pagbabago ngayon, lalo na sa teknolohiya. Sigurado ako, mas marami pang pagbabagong darating. Kaya dapat, handa tayo.

Ipapaala ko lang muli, huwag mong gamitin ang AI sa masama at ilegal. Gawin mo lang na assistant at huwag iasa ang lahat sa kanila.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *